Sa patuloy ng paglawak ng Ekonomiya ng bansa, marami na ang mga
negosyo at mga establishimento ang patuloy na lumalago dahil sa suportang
ibinigay ng ating mga kababayan. Marami sa mga negosyong ito ay pagmamay-ari ng
mga banyagang mamumuhunan na nagdudulot ng malimit na paggamit ng banyagang
wika. Dahil dito, unti-unti nang nakakalimutan o naiisantabi ang paggamit ng ating pambansang salita. Halimbawa na lamang ang paghahanap ng trabaho, Wikang
Ingles ang siyang ginagamit sa tuwing humaharap at sumasagot sa mga interbyu ng
kumpanya. Nagkakaroon din ng hindi pagkakapantay pantay
sa mga taong kuwalipikado at sa hindi.
Maipakita at maipaalam sa mga
mambabasa ang kahalagahan ng gamit ng wikang Filipino sa tuwing tayo ay
nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Maipahayag din na ang Wikang Filipino ay may
ginaganapang malaking tungkulin sa ating pang araw-araw nating pamumuhay, kung
kaya’t ito ay nararapat na gamitin maging sa mga malalaking kumpanya na
pinagtatrabahuhan ng mga kapwa nating Pilipino.
Layunin ng mga mag-aaral na maiparating sa mga mambabasa ang dapat na kataysan ng Wikang Filipino sa bansa. Bukod dito, ang kumbinsihin ang mga pagawaan, pabrika at iba pang mamumuhunang Pilipino na ang Wikang Filipino ang pinakinam na lenggwaheng maaaring gamitin sa pakikipagnegosyo. At higit sa lahat, patuloy na mapagyaman ang Wikang Filipino sa kasalukuyang mundo ng komersyo sa bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento